March 18, 2018

[Video] Marian sa pagtulong sa mga may cleft palate: Anong kabuluhan ng buhay ko kung ‘di ako magbabahagi?


Maliban sa pagbibigay ng pinansiyal na tulong, binisita rin ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mga batang may cleft palate.

Sa post ng Smile Train sa Facebook ay makikita na naglaan ng panahon si Rivera para mag-abot ng tulong at makipaglaro sa mga batang may bingot na tinutulungan ng Smile Train Foundation. Bilang isang hands-on mom sa anak na si Zia, sadya raw malapit sa puso ni Rivera ang mga bata.







“Ano pa ang magiging kabuluhan ng buhay ko kung hindi ko rin ma-e-extend sa ibang tao. Kaya sa maliit kong paraan at least makatulong ako,” ani Rivera.






Nais daw ni Rivera na magkaroon ng perfect smile ang mga bata. Sa nalalapit na anibersaryo ng kanyang online flower shop, bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa mga proyekto ng Smile Train.

Samantala, katulad ni Rivera ay busy rin ang kanyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa mga advocacy at charity work, gaya ng mga proyekto ng Yes Foundation.

Ito raw ay paraan ng mag-asawa upang pasalamatan ang mga tao na sumuporta sa kanila kaya naging matagumpay sila sa showbiz.


No comments:

Post a Comment